Jockey Elpidio Samodio Aguila

Jockey Elpidio Samodio Aguila

Isa sa mga hinahangaan kong hinete. Isa akong loyalty bet fan niya.

Nagumpisang sumakay nuong 1976. Dala niya ang pangalang jockey Samodio. Kapanahunan nila Fiorella, Little Morning at Gypsy Grey.

Hindi ko makakalimutan ng minsan ay tinanong ko siya. Bobot, kursunada ko ang sakay mo. Malakas ang pakiramdam ko na mananalo. At sagot niya sa akin ay. “May panalo, malakas nga lang ang kalaban”. At sagot ko naman sa kanya ay “Kaya mo yan, talo mo lahat yan sa diskarte. Bilib ako sa’yo” Sagot niya naman sa akin ” Sana matsambahan natin sila” Bot “Puwede bang tapunan” Ang sagot niya naman sa akin ay “hindi ko gaanong inaasahan PERO sa tingin ko may panalo”. Katangi tangi ang mga ganitong kasagutan at ugali.

Mga kabayong SAMA SAMA, Sandra’s Bet, Katherine Smile, En Carta at The Strategist ay isa lamang sa mga nanalo ng dehado na sakay niya. Nanalo rin ng dehado si Reporter at tinalo ang mga liyamadong Real Black at Rebecca’s Magic. Damang dama ko ang saya.

Sino po ba ang makakalimot sa kanyang mga sinakyang kabayo na sila Mushi Mushi, Skywalker, Fair Start, Selected, Delta Queen, Flash Dance at Heavenly.

Sa larangan ng malaking pakarera katulad ng Gran Copa de Manila, isa siya sa mga hineteng may pinakamaraming sakay.

TRIVIA

Isa lamang siya sa mga hineteng sumakay (about 5 tries) kay Wind Blown. At ang pinakamasaklap na pagkatalo ay kay Great Year (1999, Marho Breeder’s Cup Juvenile colt), na pinagmamay-ari ni “The King” Fernando Poe Jr. Si AMPITHEATRE naman ang nanalo sa Marho Breeder’s Cup Juvenile Fillies.

Ipinanalo si Thywillbedone (Jarcom Ent.) sa 2nd leg (JV Ongpin) ng Triple Crown sa SLLP upang talunin ang mga paboritong at mapublikong Real Spicy and Speed Advantage na siyang ikinagulat ng nakakaraming karerista.

Brasuhan ang labanan nila ni Speed Advantage hanggang sa huling 100 meters at nakuha sa tiyaga.

Hindi ko rin makakalimutan ng ipinanalo niya si FOOTWEAR upang talunin ang liyamadong Going Free at Mrs. Big. Muling nanalo si Footwear at tinalo si Throttle at Ginger Candy.

Naging katunggalian niya sila jockey Eduardo “Boboc” Domingo Jr at “El Maestro” Jesus Guce.

Hindi matatawaran ang kanyang angking galing kung kayat naging hinete siya ni Putch Puyat, Andrew Sanchez, Sandy Javier, Henry Cojuangco, Nicky Jacinto, Butch Mamon (C & H Ent.), Bobby Yutadco, Atty. Ed Moreno, Neil Velasco (Red N Stable) atbp.

Sa madalit salita, hindi po pala biro ang maging hinete. Basta’t pagbutihan lamang at patuloy na magtitiwala ang mga ganitong naglalakihang kuwadra.

Accomplishment

Naging opisyal sa New Philippine jockeys Academy
Naging jockey of the year
Nanalo sa prestihiyosong Presidential Gold Cup 1983 Skywalker at 1993 Fair Start.
Isa lamang siya sa mga hineteng may maraming ipinanalo sa Triple Crown.  1982 (1st & 3rd leg) PARIS MATCH, 1984 (3rd leg) RED MARSHALL spoiled VIXEN’s bid, 1985 (1st leg) MASADA, 1986 (3rd leg) FRENCH AFFAIR, 1994 (2nd leg) DINO’S DREAM and 2005 (2nd leg) THYWILLBEDONE.

Soar high! Fly High BOBOT. We will not forget you. AT MARAMING SALAMAT.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: