Karera Nuon at Ngayon (Part 4) by NIHAWMA

Unang una po sa lahat, isang pagbabahagi lang po ito at hindi paninira.

Halos nakaka ilang parte na tayo na ating pinaguusapan tungkol sa mga magagaling na kabayo at iniidolong hinete (ngayon at nuon).

PERO ang hinding hindi makakalimutan ay ang mga naganap nitong mga nakalipas na dekada. Mga pangyayari na ang karerista mismo ay saksi sa mga nangyari at naging bahagi ng kasaysayan sa karera ng kabayo.

Natatandaan po ba ninyo ito.

Tiyak kapag binanggit ko ang mga pangalan na Kalipayan, Prince Cyclone, Favoite Son, Saludo Real, Golden Link, Slatkis at Black Squall ay may maalala kayo.

Nuon,… Hindi makakalimutan ng karerista ang nangyari tungkol sa panggugulang ni DC Sordan (sakay kay Kalipayan) kontra Jesus Guce (AMIHAN) sa pista ng San Lazaro. Lamang ng may tatlong kabayo sa bandang tres octabo si Amihan at rumeremate naman si Kalipayan. Pagsapit sa rekta ay ipinadpad ni Amihan si Kalipayan na halos kumiskis sa bukanang balya. Sa kagalingan ni Bong Guce, sumalisi sa takbo si Kalipayan at sabay sara naman sa may tabing balya hanggang sa dumating sa meta.

Ngayon,… naganap ang isang panggugulang ng kabayo ni Don Antonio Floirendo na Jacobo’s Dream kontra sa naantalang kabayo ni Tony de Ubago na si Socialeros.

Kamakailan ang panggugulang ni MF Daquis sa isang stakes race (Queen Elena) kay JB Guce (Shining Fame) na ikinagalit ni G Tony Tan sa mga stewards ng SLLP.

Nuon,. Ang pagpapatihulog ni AB Guce (Manileno) sa liyamadong liyamadong PRINCE CYCLONE na kabayo ni Rolly Rojas na nagdulot sa pagkakapanalo ni Touch of Alida (kabayo naman ni Gerry Gonzales). Nakakita na ba kayo ng isang hinete na habang tumatakbo ang sinasakyan niyang kabayo ay inaalis ang sinturon na nakakabit sa istribo/muntura.

Ngayon, alisan pa lamang ay (nahulog DAW) si GA Rivera sa liyamadong Hepburn (kabayo ni Gerry Espinas).

Ang foul riding ni VALMO’S CHOICE (Valmocina) kay Ulilang Bituin (Ed Monzon), na nagdulot ng pagkaatraso sa resulta ng matagal at imbis na matapos ang karera ng maaga ay inabot ng gabi.

Ang sobra sobrang liyamadong TOP D’ WORLD (sakay ni mang loloy, Wilfredo) bandera na ng malayo pagkalagpas sa rekta at natalisod ito. Top D World, baling bali ang paa. Di na pinakinabangan. Sayang.

Nasunog ang San Lazaro (Tayuman), matapos na manalo sa last race ang kabayong FIREMAN na sakay ni jockey Del Pilar.

Ang pagkakatalo ng liyamadong D DUX (kabayo ni Ric Nepomuceno) sa Santa Ana lulan si DI Castro. Nagbatuhan ng bote sa loob ng karerahan.

Nagkagulo sa loob ng (lumang) San Lazaro ng matalo ang liyamadong liyamadong SALUDO REAL ( sakay si JD Camu). Binasag ng mga karerista (na hindi matanggap ang pagkatalo) ang mga TV monitor ng San Lazaro.

Ang liyamadong liyamadong kabayo ni Rolly Rojas,natalo sa dehadong kabayo ng  kanyang kapatid (Victor Rojas) FAVORITE SON (sakay si mang boy jockey CD Henson).

Ang pandarayang ginawa (sa kasaysayan ng karera) ni Jeffril Zarate sa paghulog ng tingga kay SLATKIS na nagdulot ng malaking usapin at nasangkot ang katulong nito upang masuspindi lamang (imbis na matanggalan ng lisensya) ng isang taon.

Ang garapal na pagkakatalo ni WILD ORCHID (FM Raquel) kay Golden Link (JB Hernandez) na ikinasama ng loob ni Atty. Ed Moreno upang ito ay ipagbili.

Ang masamang pagkakahulog ni Jesus Guce kay Split Decision (Santa Ana) at nadamay si JR Macaraig (Aminin) at Patti Dilema (Words of Joy). Nagpasya na magretiro na lang ito.

Nagkahulugan (sa isang karera sa SLLP, March 29, 2005, Allowance Race ) at nadamay ang ibang mga hinete na isinisi ang trahedya sa hinete na sakay kay BLACK SQUALL (JT Zarate). Nanalo si Black Squall. Segunda si Bumpy Johnson kasunod naman si Sunline. NV Cannaoay ang siyang unang nahulog kay REASON TO BELIEVE. Windswept nadamay at bali ang paa.

Baka may alam pa po kayong iba, PAKIDAGDAGAN NA LANG PO

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: