Karera Noon at Ngayon by NIHAWMA

Qouted from NIHAWMA of Filipino Horse Velocity Forums
GO TO FULL ARTICLE
Dahil sa inyong kahilingan at aking naipangako nais ko pong maibahagi ito lalong lalo na sa mga baguhan.

Malaki na nga po ang pinagbago o pinagkaiba ng karera ngayon kumpara nuon

PROGRAMA

Nuon, nabukod ang KT sa programa. Dadalawa lang ang programa. Dividendazo at Nueva Era. Dumating ang Lucky Choice. Ngayon, may Dividendazo pa rin, may Silip, nagkaron ng Racing Time, Winning Time, Dehadista.

PRUEBA

Nuon hindi ipinapakita ang tinapos o kung anong tiyempo ng bawat kalahok kundi puwesto lang sa medya milya at ultimo kuwarto.

KABAYO

Nuon, marami na rin mola katulad ngayon. May going up at going down. Ginagamit lamang ang No Bearing No Effect kapag may special racing event katulad ng Gran Copa.

Nuon, kapag nanalo ay akyat ng isang grupo. Ngayon, kailangan ng dalawang panalo bago umaakyat ng isang grupo.

KARERA

Nuon, De letra ang karera at binobola. Kapag San Lazaro ay ang first double ay B at C. Kapag Santa Ana ay K at I. Sabado at Linggo lang ang karera kaya kapag bolahan ay maraming tao. Biyernes ay kinasasabikan na makita ang mga programa. Karerista nagkalat para humingi ng tip sa mga tiyempista. Daily Double, Forecast, Win at Place ang tayaan. Nauso ang Special Jackpot. Samantala Ngayon ay de numero (Race 1,2,3…) na at may follow-up pa. Nauso ang Winner Take All, Trifecta at Quartet. Wala pa ang Penta at Super 6. Nawala ang Double Quinella.

HANDICAPPING

Nuon, mas maganda ngayon sila at sila na lang ang naglalaban.

PARADA NG KABAYO

Nuon mga marching songs ang pinatutugtog ngayon modern na

MAKINA SA TICKET

Nuon, bentanilya ang tawag, di taktak at paisa isa ang labas (pag talo ay ginagawang sinturon o eroplano) ngayon di pindot na

ITSURA NG TICKET

Nuon, kasing laki ng isang internet card kaya naman kapag talo ang taya ko ay ginagawa kong sinturon o pinalilipad na parang eroplano. Ngayon mas lumiit na at manipis pa.

BENTA (sales)

Nuon, totalizador ang gamit. Liyamado ang tawag kapag mataas ang guhit. Kung liyamadong liyamado ang tawag ay lampas langit. Kung dehado naman ay kakapirangot lang ang guhit o linya. Inaannounce pa ang mga benta ng lahat ng mga kalahok. Halimbawa, ladies and gentleman, it’s now post time. Ngayon ay computerize na. Makikita sa montor/TV. Kapag 6 digits liyamado at kapag 999 naman ay dehado.

SA HINETE

Nuon, wala pang Tito Vic and Joey. Ngayon hindi lang Tito Vice and Joey kundi tatlong itlog o three stooges.

Nuon, may suot na camisa chino (isang t-shirt na manipis) bago isuot ang uniporme. Mayron pa silang isinusuot sa leeg na binobutones at dikit. Ngayon, naka Hanes na o Fruit of the loom, may vest at may cellphone pa. iabng klase.

Nuon, mga uniporme de butones. Ngayon, strectchable na.

Nuon, gora o sombrero ang gamit. Mas maliit pa sa isang NY na sombrero. Ngayon nakahelmet (ang nagpauso nito ay ang magkapatid na jockey Florencio at Galang Fernando)

Nuon, latigong de borlas ang gamit (kaya mahirap malaman kung sino ang labas o perder) samantalang ngayon ay may balat at de borlas.

Nuon, puwede pa ang suksok latigo ngayon hawak hawak na antimano sa largahan.

Nuon, may mataas magmuntura at may mababa ngayon halos lahat ay magkakaparehas na.

Nuon, may senyas na rin kung labas. Ngayon, nakaguwantes, nakababa ang paa, tumingin sa muntura, kinakausap ang sota, tumingin sa camera, tumindig, nagpagalope at marami pang mga gimik.

SPECIAL RACE

Nuon, National Grand Derby, Grand Futurity Race, AP Reyes Memorial Race, Gran Copa de Manila, Presidential Gold Cup at Founders Cup.
Ngayon, bukod sa Gold Cup ay may Klub Don Juan, Breeders Cup, Triple Crown at muling ibinalik ang mga stakes races na nakapangalan sa mga gemstones (Amethyst, Diamond etc).

Nuon, may MJCI/PRCI challenge race. Kabayo na nakakuwadra sa San Lazaro kontra kabayo na nakakuwadra sa Sta. Ana. Mayruon din Jockey’s championship. Ang hinete na mananalo kada buwan ay maglalaban laban sa katapusan ng taon.

PANUORAN

Nuon, pupunta ka sa karera mismo o di kaya kung matapang ka ay aakyat ka sa pader. Ngayon, hindi na uso ang manuod sa pader kundi sa karerahan ka manunuod, sa cable at dahil naging high tech na ang pilipinas ay nagkaron pa sa internet. May booter nga lang.

KARERISTA

Nuon, puwedeng manuod ng naka kamisete at tsinelas. Ngayon, naka La Coste, Nike at may cellphone pa. Ang hindi nawawala ay ang mambubuyo.

Nuon, kapag talo ay kumakain ng PARES (goto, tokwa’t baboy) Ngayon, boy bawang at gulaman na lang para may pamasaheng matira.

TAYAAN

Maliban sa karerahan at OTB, may bookies na taya ang pursyento. Inabot ko pwede pa ang P0.25 o P1.00.

Off Track Betting

Nuon, di pilas at di tatak ang ticket. Walang TV kundi rinaradyo o tawag. Ngayon, may TV na at may nakakainis na sumisingit sa pila.

Alam kong sabik na sabik na kayo kung sino ang mga magagaling na kabayo at hinete. Itutuloy….pagkatapos maglaba, mag-banlaw, mamalengke at magsaing.

GO TO FULL ARTICLE
LOCAL NA KABAYO LANG PO ITO.

Malaki nga po talaga ang pinagbago ng ating karera. Nuon at ngayon. Di tulad ng dati ay pawang mga kabayong Batangas lamang ay puwede na pong isali sa karera. Tuwing Sabado at Linggo lang po ang karera. Kaya nga po kapag deklarasyon ay inuusisa na ng marami kung sino sino ang mga tatakbo. Pagdating po ng huwebes ng gabi (mga 9:00PM) ay nakikita na ang mga programa sa mga tindahan. Biyernes ng umaga ay masisilayan na ang KT (Karera tips, nila Mr. Blue, Mr. White at Mr. Yellow, na nakalagay sa isang maliit na sobre na kulay tsokolate/brown)

Ang karera po kasi nuon ay de letra (A,B,C.. K.I..YZ) binobola po ito kaya malalaman pa lamang po ng mga karerista ang mga double events sa araw mismo ng karera. Kapag sa San Lazaro ang karera, naguumpisa ito sa B at C samantalang sa Santa Ana ay K at I. Hindi katulad ngayon na ayon sa mga pagkakasunod sunod na numero (Race 1,2,3..13)

Muscle, Mr. Comedy (Veloso ang may-ari), Confetti, Sweet Music, Top Soldier, Strong Material, High Pocket – mga sikat na kabayo. Ito ang mga hindi malilimutan. Ang sabi nga po ng aking tatay ay uso na rin ang side bettings nuong araw.

Marami pong mga magagaling na kabayo. Kapag molang kabayo ang pinag-uusapan. nariyan po si Don Augusto Santos, Lacson, ang magkapatid na Danding Cojuangco at Henry Cojuangco, mga magkapatid na Cong. Peping Cojuangco at Don Pedro Cojuangco. Esting Teopaco, Yujuico, Atty. Cruz, Revilla (taga Tarlac), Zuzuarregui, Dimacuha at Mang Cando Trinidad (asawa ni Aling baby, kapatid ni mang Oding jockey Leonardo)

Calalang – Cavite Starlet, Mystic Smile, Viva Racha, Rompe Candado, Fort Knox, Odyssey etc. (jockey Torno at La Loma ang mga sumasakay)
Don Antonio Floirendo – (nuon) Sabalo, Marapangui, Toril, Tadeko, Midnight Runner, Brown Carpet, Carpet Bagger, Davaoena, Shining Spinner etc..ang mga hinete nila nuong araw ay si Mang Poli (tatay ni Egoy Hipolito) RS La Rosa, IB Pagalan saka palang dumating sila Egoy at DA Bacus.
Putch Puyat – I Love Roses, Jack Be Quick, Jonas Cord, Wichita etc..
Don Augusto Santos – Fireman, Explosive, Lady Fair, Golpe, etc..(hinete sila Santos, Del Pilar at Leonardo)
Alba – Iranza (isang kabayong Batangas), Elias at Fortunato and sumasakay.
Asistio – Kasintahan, Panibugho, Windy whelming etc.
Celerino Falcon – Cara Dura, Windy Hill, Star Charger etc..
Yujuico – Green Buck, Win More etc..(jockey Wilfredo)
Baby Ysmael – Be ready, Lilyput etc.. (jockey La Rosa, tabako kung tawagin)
E.Teopaco – Top Romancer, Happiness (jockey Saratan)
Alcantara – Ray Gazette, Irish Caste, Fox Trot, etc..

Iron Man (Ysmael), Top Soldier, Red Fantasy (isang imported na kabayo ni Marietta Yujuico), Top D World sikat

Lumipas ang panahon at dumating ang mga kabayong sikat

Danding Cojuangco – Persian Empire, Shuriken, Hansuyen, Yes and No, Dandeenong, Newshawke, Oink Oink, Fiorella, Flaming Red etc.
Henry Cojuangco – Crown Jewel, Bumble Bee, Songwriter, Gunslinger, Fair Dinkum, Selected etc..
Asterio Favis – Hot Summer, Something Special, Never Too Soon etc..
Pedro Cojuangco – Sun God, Daisy Chain, Baccarat, Passepartou, Love Machine, Easter Bonnet, Sweet Honesty, Intrepid Isle, Handsome Devil etc.
Ramon Ocampo – Pandee Boy, Lovely Pinny, Loveliest, Bold and Lovely etc..
Maning Henson – Robot, I Love You, Knows how, Best Actor, Best Lover etc..
Peping Cojuangco – Golden Pharaoh, Native Beauty, Naughty Lady
Lourdes Fernando – Royal Feast, Skyscrapper, Chaparral, Cash Mc Call
Don Augusto Santos – Taketo
Norberto Quisumbing – Reporter, Glorious Sun, Olive, First Surplus etc..
CJ Yulo and Sons – Gypsy Grey, Little Morning, Cadenza, Scarlet Lady etc..

Lumipas naman ang panahon (nabibisto tuloy kung sino ang matanda sa FHV)

Aristeo Puyat – Paris Match, French Affair
M Asistio – CM’s Dream, Doubtly Sure, Lovey Dovey, Protectorate etc..
Nicky Jacinto – Red Annie, Sustenance, Aprisa, Iron Pulse etc..
Gerry Gonzales – Silver Grey, Success, Succeed, Super Strong etc.
James Chiongbian – Lady Zamazaan, Vigorous Lady etc.
Ochie Santos – Rocket Star, Luminary, Balatkayo, Incredible etc.
Albert Trinidad – Cross of Fire, Fascination, Don’t You W, orry etc.
Henry Cojuangco – Skywalker, Sense of Rhythm, Point Me Home etc.
C & H Ent. – Fair and Square, Hamden’s Gem etc..
Yulo Stable – Headmaster
Andrew Sanchez – Dino Bambino, Flash Dance etc..

ipagpapatuloy hanggang sa dumating tayo kina Ibarra, ES Twenty Six, Don Enrico etc…

Recap:

Pinakamalaking kabayo nuon – MR. COMEDY (hindi po ito magkasya sa starting gate).
Pinakamataas na kabayo – STONE WALL (DCID Corp.) jockey Henson and sumasakay.
Pinakamaliit na kabayo (kasing laki lamang ng isang riding horse sa Tagaytay) -WHITE FLASHER jockey Patring ang sumasakay
Pinakamaraming beses na ginamit na pangalan ng kabayo – CARA DURA and BUMBLE BEE.
Pinakamaraming panalo (sunod sunod) sa historya ng karera – MAXI (kabayo ni Andrew Sanchez)

Mga kabayo ni Andrew Sanchez (Cadamma Ent) sila Black Magic, Goodah etc..

Sa riding style ng mga hinete

Jockey Wilfredo at Galang dahil lagi silang naka monkey ride.
Si jockey Galang ay kapatid ni Totoy (jockey Florencio Fernando) binansagan na ochenta palo dahil mula rekta hanggang meta ay palo ng palo. Wala pa pong nakagagawa nito at bawal (OVERWHIPPING).

Kung hindi ako nagkakamali ang kabayo ni Hermie nuon ay si Kingair at Tumataginting.

Ang 1:53 sa milya nuong araw ang pinakamagaling pero ngayon minamani nalang. Yung 1:18 sa tres cuartos diez y sais ay kinatatakutan pero ngayon hindi na dahil ngayon ay may pumeprueba na ng 1:13 1:14. Kapag nag 1:44 sa 15/16 nuon ay magaling na pero ngayon bale wala na lang po dahil may gumagawa na po ng 1:35. Yung 0:54 sa medya milya ay minamanman na pero ngayon binibiro biro na lang dahil sa ngayon ay may pumeprueba na ng 0:48

GO TO FULL ARTICLE

IMPORTED HORSES

May mangilanngilan lang ang mga magagaling na imported na kabayo nuong araw. RED FANTASY, BON JOUR, CITED AT NORBY.

Red Fantasy,(ni M Yujuico) nanalo ng malayong malayo sakay si Loloy (jockey Wilfredo). Iniwan ang kanyang mga kalaban in record time. Bihira lang kasi tumakbo ang mga Imported at hindi ito inilalaban sa mga lokal na kabayo maging ang mga island born.

Lumipas ang panahon at ibinalik nila uli kaya’t nagkaron ng Challenge to champion.

Marangal (Peping Santos), Karangalan (Gerry Gonzales) at Celebrated Ruler (Almeda) Sigaw Sa Langit (Vic Diaz)

1992, Magkaribal at sikat na kabayong TERRIBLY TRUE (June Paman) at GRACEFUL LADY (FPJ) Tangan tangan ni Graceful Lady ang record sa 1400M (1:28) Samantalang si Terribly True ay 2:01 (1900M)

1995, binura ni REGALLY ang record ni Graceful Lady sa 1400 1:27.6

1997, Magkaribal na Thunder Vic (Don Antonio Floirendo) Stylish Celine (Manny Viray at Copy Furnish (Ramon Mitra). Ang debokang kabayo ni Ramon Mitra na si Uro Uro. Thunder Vic may tangan na record sa 1500m (1:32) at binura ang record ni Regally sa 1,400m (1:27.4) Napantayan ni Real Top ang record ni Thunder Vic sa 1,500m.

Mga kabayong Early Hours at Touch Down ay sumikat.

1998, COLEGIALA (Ochie Santos, Patti Dilema) sa record time na 1:31.4 (1,450m) 1999 (JB Hernandez) bagong track record sa 1,450m (1:29) Nadungisan ang record ni Colgiala ng talunin siya ni Wind Blown.

Sino ba naman ang makakalimut kay Ouzo, Ariba King, Neat Laurel, Royal Show at Catwalk Pia. Absolute Charmer, Midnight Lady (Ed Gonzales)

Dumating nag iba pang mga kabayo at sumikat din katulad ni Bellin Bellin, Slatkis, Sound Offer, Being There, Stowaway Lass, Wild Orchid, Ever Mine Now, Glory and Honour at La Tienne.

Drama Belle, Mercurio, Irene’s Fantasy, Copper Dew, My Happiness, Hussy etc.

Record holders (as of May 12, 2008)

Ariba King – 900M – 0.51.8
Wild Orchid – 1400M – 1:25
Ariba King – 1425 – 1:27
Ever Mine Now – 1450 – 1:28.4
Wild Orchid – 1500 – 1:30.8
Ever Mine Now – 1525 – 1:33.6
Copper Dew – 1600 – 1:38
Irene’s Fantasy – 1800M – 1:51.6
Wild Orchid / Stowaway Lass – 2000M – 2:04.4

Bukod kay Siempre Naman, may alam pa ba kayo na sa hanggang ngayon ay hindi pa nananalo?

About these ads

4 Tugon

  1. lupit po sir history ng karera nyo? mga 50+ n po kyo ano?

  2. Sir, mukhang di po ninyo nabangit ang walang talong si sun dancer.

  3. .. salamat sa refresher ng munting history ng karera, Pinas style..

    .. honga, kulang nga po yata na di banggitin dun sa panahon si Sun Dancer at Magic Showtime (T. Abe– yung japanese na meyari).. hanggang sa era nung Rolly Rojas stables (Royal Marina, Rhummaker, Family Affair, I Have Wings, Generalissimo, Figth with Honor, Matriarch, Imperial Runner, Crown Colony.. etc.. syempre..Strong Material)

    dati, kapag huwebes nga ng gabi.. bukod sa “baluuut!”.. maririnig mo eh “programa Sabado!”

    kaka-miss yung dati.. yun bang sa pader ka nonood karera nun.. yung tumama ka na di pa makubra dahil nagkadamputan ng bookies.. oh di kaya eh “nakoto”, dahil mabagal yung runner nung ruta, di naitaya sa “loob” yung sobra llayamado….yung parang pyesta kapag sabado at linggo dahil mey karera, lalo na kapag mey stake race..

    Thriller, Jack Hammer at Black Panther.. sino pa bang pinakamatandang naging aktibong pangarerang (lokal) kabayo?

    Yung mey ‘trial’ na karera bago actual na mag -sweepstake race. Tuwing Huwebes yata ng umaga yun. Kahit ordinaryong araw eh maraming tao sa panooran (kahit sa grandstand ng San Lazaro)

    yung re-remate na si Wild Party at si Grand Party (mey mga bayaran dun sa pader na bababa sa pista dahil mangangalampag)

  4. Sino naman po ang Jockey na hindi nanalo kahit minsan or pinaka kaunti ang panalo?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: